Ibinahagi ni Queen Hera na labis ang kanyang pagkabigla at hinagpis nang mapag-alamang ibinebenta ang larawan ng kanyang anak sa isang madilim na bahagi ng internet
Isinumbong ng ilang concerned netizens na nakita nila ang larawan ng kanyang anak sa isang tinatawag na “PDFile” site kung saan ito ay ibinebenta sa mga kalalakihan
Nakiusap si Hera sa mga kapwa ina na tigilan muna ang pagpo-post ng mga larawan ng anak sa social media bilang pag-iingat sa mga online predators
Hindi lamang si Hera ang nabiktima kundi pati ang iba pang mga magulang na walang kamalay-malay na ginagamit na pala ang mga larawan ng kanilang mga anak para sa masasamang layunin
Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-viral online ang emosyonal at galit na pahayag ng content creator at online beauty entrepreneur na si Queen Hera, matapos niyang matuklasan ang isang nakakakilabot na balita tungkol sa kanyang anak.

Source: TikTok
Ayon sa kanya, may mga netizens na nagpadala sa kanya ng impormasyon na ang larawan ng kanyang baby ay ginagamit at ibinebenta sa isang website sa dark web, partikular sa tinatawag na PDFile.
“Ang bata-bata pa ng anak ko kung nakikita niyo. Please mga mommies, stop posting videos or kahit picture ng anak niyo. Nakita ko picture ng anak ko nasa website, binebenta,” saad ni Queen Hera, na halos hindi na makapagsalita sa gitna ng kanyang pag-iyak.
Ayon pa sa kanya, hindi lamang sila ng kanyang anak ang biktima. Marami pang ibang pamilya ang maaaring ni hindi alam na ang mga simpleng larawan na ibinabahagi nila online ay ginagamit na pala ng masasamang loob. Nanawagan si Hera sa mga kapwa niya magulang na maging mapanuri at limitahan ang pagpo-post ng mga larawan ng mga anak, lalo na kung sila ay menor de edad.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung may isinasagawang imbestigasyon ukol sa partikular na site na nasangkot, ngunit ang panawagan ni Queen Hera ay nagsilbing gising para sa maraming magulang na patuloy na nagpapakita ng kanilang mga anak sa social media.
@hera_queen88Pls spread awareness !!!NAKAKAGALIT!!!!
Si Queen Hera ay isang kilalang online entrepreneur na nakilala sa pagbebenta ng beauty products at paggawa ng content sa social media. Isa rin siyang ina na bukas sa pagbabahagi ng kanyang personal na buhay bilang content creator. Kilala siya sa kanyang matapang at prangkang personalidad, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pamilya at kababaihan.
News
Ian Veneracion PRAISED for Outshining Gen Z Heartthrobs — Veteran Actor Wins Over Netizens with Timeless Charm and Class! Fans Ask: Is This Pure Talent or Just Rare Good Genes?
Ian Veneracion, a name that resonates with Filipinos across generations, has earned a spot in the hearts of many due…
“Adrian Lindayag, guilty at nahihiyang umamin: ‘May HIV ako’ — buong showbiz, gulat!”
Adrian Lindayag at Michael Dychiao ISA ang Kapamilya actor at proud member ng LGBTQIA+ community na si Adrian Lindayag sa mga…
John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”
Naglabas ng saloobin ang multi-awarded actor na si John Arcilla kaugnay sa napapansing pagdami ng higanteng paruparo o moths sa…
DusBi: Tunay na Pag-ibig o Madiskarteng Alyansa? Dustin at Bianca Binasag ang Katahimikan sa Kanilang ‘Real Connection’ sa PBB Collab — Pero Sabi ng Mga Manonood, ‘Laro Lang Ang Lahat’
DusBi presses that what they have is real during “PBB Collab” Big Tapatan In the recent Big Tapatan challenge of…
Sa loob ng 12 Taon, Nagising Siya na Umaasang Marinig Natin ang ‘Nahanap Namin Sila’ — Pagkatapos Isang Malabong Video ang Nagbunyag ng Katotohanan na Nagpalabas sa Kanyang Kalungkutan
For 12 Years, She Woke Hoping to Hear ‘We Found Them’ — Then a Blurry Video Revealed the Truth That…
🥹 Ang Vlog ni Ivana Alawi kasama ang mga Anak na May Sakit ay Hindi Inasahan—Napaiyak ang mga Nars sa Ibinulong Niya
Ivana Alawi moves netizens to tears in vlog with sick children ACTRESS and social media personality Ivana Alawi has captured…
End of content
No more pages to load