Inaasahan na ng ilang mga netizens ang magiging paghaharap nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang ilang taon magmula noong nagkaroon sila ng isyu dahil kay Gerald Anderson.
Marami sa mga netizens ang naghinalang magdededmahan ang dalawa or worst magkakaroon umano ng sabunutan at sampalan sa kanilang personal na paghaharap.
Subalit, kabaliktaran pala ang lahat ng mga ito dahil walang naganap na tarayan, dedmahan, isnaban at sabunutan sa pagkikita muli ng dalawa.
Sa muling pagkikita nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa nakaraang birthday party ni Johnny Manahan, mas kilala bilang si Mr. M, ikinagulat ng lahat ng makitang masayang nagbebeso-beso ang dalawa at nagtsi-tsikahan pa.
Parehong naroon sa suprise party para sa kaarawan ng star maker na si Mr. M ang dalawa kung saan makikitang maayos ang trato nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa isa’t-isa matapos ang malaking isyu sa pagitan nilang dalawa noong masangkot si Julia Barretto sa hiwalayan noon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ang dalawa na magkasama matapos ang ilang taon at ang ikinaluka pa ng marami ay maayos na maayos ang turingan nilang dalawa, nagtatawanan at nag-uusap pa.
Sa katunayan, ilang beses pang nakunan ng picture at videos ang dalawa na masayang nag-uusap kasama ang iba pang mga artista na parehong pinasikat ni Mr. M.
Ikinatuwa naman ng kani-kanilang mga tagahanga ang pagkakaayos ng dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang malaking kontrbersyal kinasasangkutan ng mga ito noon.
Matatandaan na ilang beses ding pinasaringan ni Julia Barretto noon si Bea Alonzo matapos ilang ulit na banggitin ng huli ang ginawa sa kanya ni Gerald Anderson.
Lalo pang uminit ang isyu noon nang tuluyang inamin nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang relasyon. Nakatanggap rin noon si Julia ng mga matitinding batikos mula sa mga fans ni Bea Alonzo dahil itinuturi siyang mang-aagaw ng karamihan.
Ito’y sa kabila ng mga pagtatanggol noon ni Gerald Anderson kung saan iginiit nitong hindi si Julia Barretto ang third party at dahilan ng kanilang paghihiwalay.
News
Paul Soriano SHOCKS Fans with Shocking Revelation About Toni Gonzaga’s Transformation After Marriage
Filmmaker Paul Soriano shared candid revelations about his wife, Toni Gonzaga, and how their marriage has evolved over the years…
HAHA! THIS IS THE TRUE STORY OF JOYCE’S LIFE, LOVE AND MOTHERHOOD!
Behind her sweet smile and steadfast image, a deep and emotional story envelops Joyce’s life—a story that has just been…
KRIS AQUINO’S HEARTBREAKING HEALTH UPDATE: “Hindi Ko Na Kayang Labanan ang Sakit” — Family and Fans Hold On to Hope as Queen of All Media Faces Her Toughest Battle Yet 💔
MANILA — Isang emosyonal at nakapanghihinang balita ang gumulantang sa puso ng mga Pilipino: si Kris Aquino, kilala bilang “Queen…
SHOCKING REVELATION! COCO MARTIN EXPOSED BY FORMER STUNTMAN: Is His Kindness Just for Show?
In a shocking turn of events, a former stuntman has come forward to reveal what he claims is the “true…
Full Story of Mother Who Set Her Children on Fire in Bulacan – Tagalog True Crime Stories
Hindi maisip na lagim sa Bulacan: Ano ang nagtulak sa isang ina na sunugin ng buhay ang kanyang anak? Nabubunyag…
Lights, Camera… Scandal: The Year Fame Fell Apart🎬💢link in a comment section
There was a time when celebrities were untouchable — gods and goddesses of the screen, adored by millions, protected by…
End of content
No more pages to load