18-year-old wife ni Ka Freddie Aguilar, gusto nang magkaanak

Nagdiwang ng kaniyang ika-18 kaarawan kamakailan ang asawa ni Ka Freddie Aguilar na si Jovie Albao. Isa raw sa kaniyang birthday wish ay ang matupad na ang lagi nilang ipinagdarasal — ang magkaanak.

Sa episode ng Startalk nitong Sabado, nakapanayam ang mag-asawa sa inihandang birthday celebration ni Ka Freddie sa kaniyang misis.

Ayon sa legendary Pinoy folk singer, siya mismo ang naging punong-abala sa paghahanda sa naturang selebrasyon.

“Ngayon lang ako naghanda ng ganito sa isang magbe-birthday eh. Pati pamamalengke kinarir ko, pagluluto,” anang singer. “At ngayon ko lang gagawin sa buong buhay ko na mayroon kaming dance number.”

Ayon kay Jovie, mas pinili ng kaniyang mister na i-celebrate sa kaniyang debut o 18th birthday na minsan lang mangyari kaysa sa kanilang anniversary, na magagawa naman daw nila taun-taon.

Freddie Aguilar ready to marry 16-year-old GF. – @februarycharlie on Tumblr

Nang tanungin si Ka Freddie kung ano ang birthday wish niya sa asawa, tugon nito, “Yung matupad niya yung mga pangarap niya sa buhay, matulungan niya yung kaniyang mga kapatid at mga magulang at maging successful siya bilang isang chef.”

“Let’s face it, mas una akong mawawala sa kaniya, malayo yung agwat namin,” pahayag pa ni Ka Freddie na dahilan para yakapin siya nang mahigpit ni Jovie.

Patuloy ng mang-aawit, “Pangarap ko sa kanya yung matagpuan niya yung kaniyang kapayapaan kahit na wala na ako.”

Wish naman ni Jovie sa sarili, “Matupad ko yung mga pangarap ko and magkaroon kami ng baby na palagi naming naming dinadasal.”

Nang tanungin kung ano ang gusto nilang maging unang anak, sabi ni Ka Freddie, “Sabi ko boy, sabi niya girl. Sabi ko kambal na lang.”\