Adrian Lindayag na-guilty, nahiya nang ilihim sa publiko na meron siyang HIV

Adrian Lindayag at Michael Dychiao

 

ISA ang Kapamilya actor at proud member ng LGBTQIA+ community na si Adrian Lindayag sa mga buhay na patunay na hindi na isang death sentence ang pagkakaroon ng HIV o human immunodeficiency virus.

Matapang na inamin ni Adrian sa publiko na meron siyang HIV pero hindi ito naging hadlang para  ipagpatuloy niya ang kanyang buhay at abutin ang iba pa niyang mga pangarap.

Lumantad ang “Saving Grace” actor sa publiko upang maging inspirasyon ng ibang may HIV na natatakot pa ring aminin sa kanilang pamilya at mga kaibigan ang kanilang kundisyon – hindi pa katapusan ng iyong buhay ang HIV.

Hanggang ngayon ay wala pa talagang  gamot sa HIV/AIDS pero may mga paraan upang makontrol ito at mapahaba pa ang buhay ng may ganitong karamdaman.

“In the beginning, siyempre shock talaga siya pero what was important for me at the time was to live, literally na imake sure na yung immune system ko is healthy and I wasn’t healthy at the time,” ang pahayag ni Adrian sa panayam ng ABS-CBN.

Hindi naging madali para kay Adrian at sa kanyang pamilya ang pinagdaraanang pagsubok, pero malaki raw ang naitulong ng pagpapaliwanag sa kanila ng mga doktor tungkol sa HIV.

Tel Aviv takes fire as Iranian missiles strike northern and central Israel

“The doctors were also very comprehensive in a way that they also educated me with the HIV law na hindi ko kailangan i-disclose yung status ko sa trabaho, hindi ko kailangan idisclose yung status ko sa kahit na sino,” ani Adrian.

Kasunod nito, nagdesisyon si Adrian na iwan ang trabaho niya sa corporate world at subukan ang pag-arte sa teatro. Nakapasok naman siya sa Ateneo Blue Repertory production ng “RENT: The Musical.”

“I only auditioned because I was a fan of the show and because I needed to go on a break. That was very healthy for me, physically and emotionally,” sabi ng aktor.

Hanggang sa ma-discover na nga siya ng yumaong ABS-CBN executive na si Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment at nakagawa ng mga teleserye at pelikula.

Pero sa kabila ng magandang career, nararamdaman niya na parang may mali sa pagtatago niya sa kanyang sakit, “Feeling ko kasi na, lying by omission. Meron bahagi ng sarili mo na parang hindi mo shinshare.

“Although, hindi mo rin siya obligasyon pero bakit ka may platform, why do you have this privilege of having a platform tapos wala kang ginagawa about it? I felt so much guilt. Along with the guilt, there is shame,” sabi ni Adrian.

Last year, nagdesisyon na si Adrian na aminin sa publiko ang kanyang kondisyon na nangyari sa isang presscon. Naniniwala siya na ang paglantad niya ay hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa lahat ng may HIV.

Hiling at dasal ni Adrian, “Sana tigilan na natin yung stigmatizing and fear and shaming and let’s educate everyone. Let’s educate ourselves kasi 2025 na, lahat tayo may internet.”

Kamakailan ay ikinasal na sa Amerika ang aktor sa kanyang partner na si Michael Dychiao. Napakalaki raw ng naitulong ni Michael para mas maging solid ang kanyang self-confidence.

“Yung confidence ko rin to own my truth last year in that press conference, a huge part of that was my partner kasi he is someone who is so smart and empowered.

“He’s a big part of why I have this confidence kasi hindi niya ako kinakahiya at tinanggap niya ako at minahal niya ako ng buong-buo–– Deserve yung ng bawat PLHIV,” aniya pa.

Mensahe pa ng aktor, “Sana every person living with HIV will realize the potential they have and remember they are humans.