Luis Manzano, nakahinga na sa cancer scare; na-biopsy’ng nunal, benign
Photos: @luckymanzano on Instagram
Hindi pa raw muna niya sinabi sa kanyang mommy and daddy na sina Vilma Santos and Edu Manzano, maging sa kanyang stepfather na si Finance Secretary Ralph Recto ang pinagdaanan niyang pagpapa-biopsy. Ang nakakaalam lang daw ay ang kanyang misis na si Jessy Mendiola, ilang barkada, at mga kasama sa bahay. “’Pag nalaman ni mommy ‘to, magkakagulo si mommy, kahit wala pang result, sigurado every .6 seconds, tatawagan niya ako,” paniguro ni Luis.
Na-clear na sa sakit na cancer si Luis Manzano.
Nagkaroon ng cancer-scare ang 43-year old TV host after mapansin ng kanyang hairstylist na lumalaki ang nunal sa ulo niya. Kaya agad na nagpakonsulta at sumailalim sa biopsy si Luis.
Ikinuwento ni Luis na bata pa lang daw siya ay may nunal na raw siya sa ulo na nakakapa lang niya at hindi naman daw niya nakikita. Kaya hindi niya napansin na lumalaki na pala ito.
“May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung ‘di ako nagkakamali ay i-check kung cancerous or not or kung malignant or benign,” ayon kay Luis sa kanyang vlog.
Inamin ni Luis na kinabahan siya sa word pa lang na ‘biopsy’.
“Hindi kasi araw-araw na naririnig mo ‘yung salitang biopsy, ‘yung pagdaraanan mo na, ‘uy may kailangang i-biopsy sa’yo.
“If sabihin mo bigla na may kailangan kang i-biopsy, kahit sabihin mong precautionary lang, kahit sabihin mo, ‘just to be sure,’ parang cancer comes to mind or kung anuman.
“Ang cancer kasi is one of those things na kahit sa kalaban mo hindi mo iwi-wish ‘yun. Ang dami kong mga kilala na unfortunately, nadale na ng cancer, people going through and you can see that it’s very life changing para sa kanila.”
Sa unang pagkakataon daw ay naging seryoso si Luis sa kanyang vlog. Kadalasan ay pagpapatawa ang mga content ng vlog niya. Nakaramdam daw ng takot ang mister ni Jessy Mendiola sa kakalabasan ng test results.
“Do I feel okay? Yes. Apat na doktor na ang nagsabi na malabo-labo talaga na it’s cancerous or kung ano man may konting kaba? Siyempre kasi i-stitch yan e, isasama ko kayo sa procedure parang tatanggalan ng sample tapos 2-3 stitches so papanoorin ko kayo. But para sa akin ang main goal ko is to create awareness kasi napakarami siyempre ‘yung mga binabantayan na mga nunal growth, kita yan sa mga katawan,” paliwanag pa niya.
Ang pinakamahirap daw ay ‘yung waiting period para sa mga test results.
“Ito na ‘yung pinaka-mahirap sa lahat sa lahat-sa lahat ng mga test, minsan ‘yung procedure itself hassle kung hassle given pero ang pinaka mabigat diyan ay ang pag-aantay ng results kasi malalaman to kung benign ba to or malignant.
“I think five to seven days kapag binigay na ‘yung sample. Mas hassle ‘yun, mas hassle ‘yung ganung stress na ‘yun. In fact, ‘yung nakita kanina ‘yung pinost ko kanina sabi ‘yung mga buhok na ‘andon is already a good sign in itself pero ipapadala pa rin to be sure so hoping and praying.”
Hindi pa raw muna niya sinabi sa kanyang mommy and daddy na sina Vilma Santos and Edu Manzano, maging sa kanyang stepfather na si Finance Secretary Ralph Recto ang pinagdaanan niyang procedure. Ang nakakaalam lang daw ay ang kanyang misis na si Jessy Mendiola, ilang barkada, at mga kasama sa bahay.
“’Pag nalaman ni mommy ‘to, magkakagulo si mommy, kahit wala pang result, sigurado every .6 seconds, tatawagan niya ako,” paniguro ni Luis.
Ayaw na raw niyang mag-alala pa ang parents niya kaya hindi na muna niya ipinaalam.
Kaya sa kanyang vlog, ipinakita ni Luis na tinanggal ang kanyang bukol. Isinagawa ang operasyon sa Belo Medical Clinic sa Greenhills branch at sandaling-sandali nga lang ang procedure.
After the operation, ang pag-aantay naman ng result ng biopsy ang sumunod. Dito raw na-stress si Luis dahil inabot daw ng mahigit na isang linggo ang paghihintay.
Noong makuha na niya ang result ng biopsy, laking pasasalamat niya na benign ito kaya naman bilang mini-celebration ay nagpagupit si Luis ng buhok.
Nang malaman nga raw ito ng mommy niya ay napaiyak daw ito.
Masaya rin si Luis na nakagawa siya ng content para magkaroon ng awareness ang marami sa pinagdaanan niya.
“Hindi mo basta-basta naririnig ‘yung, ‘Uy, may nunal ka, pa-tsek mo.’ Worst case scenario could be some form of skin cancer. So, ‘yun lang. Just to create awareness na may ganu’n.”
News
Paul Soriano SHOCKS Fans with Shocking Revelation About Toni Gonzaga’s Transformation After Marriage
Filmmaker Paul Soriano shared candid revelations about his wife, Toni Gonzaga, and how their marriage has evolved over the years…
HAHA! THIS IS THE TRUE STORY OF JOYCE’S LIFE, LOVE AND MOTHERHOOD!
Behind her sweet smile and steadfast image, a deep and emotional story envelops Joyce’s life—a story that has just been…
KRIS AQUINO’S HEARTBREAKING HEALTH UPDATE: “Hindi Ko Na Kayang Labanan ang Sakit” — Family and Fans Hold On to Hope as Queen of All Media Faces Her Toughest Battle Yet 💔
MANILA — Isang emosyonal at nakapanghihinang balita ang gumulantang sa puso ng mga Pilipino: si Kris Aquino, kilala bilang “Queen…
SHOCKING REVELATION! COCO MARTIN EXPOSED BY FORMER STUNTMAN: Is His Kindness Just for Show?
In a shocking turn of events, a former stuntman has come forward to reveal what he claims is the “true…
Full Story of Mother Who Set Her Children on Fire in Bulacan – Tagalog True Crime Stories
Hindi maisip na lagim sa Bulacan: Ano ang nagtulak sa isang ina na sunugin ng buhay ang kanyang anak? Nabubunyag…
Lights, Camera… Scandal: The Year Fame Fell Apart🎬💢link in a comment section
There was a time when celebrities were untouchable — gods and goddesses of the screen, adored by millions, protected by…
End of content
No more pages to load