Ibinahagi ni Maegan Aguilar sa isang panayam kung paano niya muling nakasama ang kanyang ama, ang legendary OPM artist na si Freddie Aguilar, matapos ang ilang taon na hindi pag-uusap sa isa’t isa.
Sa isang panayam kay Julius Babao, sinabi ni Maegan na gumawa siya ng ilang paraan upang makipag-ugnayan muli sa kanyang ama, kabilang sa mga ito ang pakikipag-usap sa isa sa kanyang mga anak na babae, na nakatira kay sa kanyang ama na si Freddie Aguilar.
“My daughter na nakatira sa kanya. Since naka-block ako, syempre naka-block ako kay tatay ‘di ba? Dinaan ko sa anak ko. Anak, tanong mo naman kay lolo, kung pwede kaming pumunta diyan,” pahayag ni Maegan.
Hindi umano alam ni Maegan kung gaano siya kasaya nang biglang pumayag ang kanyang ama sa kanyang kahilingan.
“Mommy pwede daw pero overnight lang daw…”
Nang magpunta na sila sa bahay ng kanyang ama, biniro umano niya ito na mas nagmukha na itong mas bata kaysa sa kanya.
“‘Tay ang daya mo. Ang bata-bata ng itsura mo, ako mukhang lola.”
Samantala, ibinahagi rin ni Maegan ang kanyang saloobin tungkol sa buhay sa nasabing panayam.
“‘Yung deeds mo na magaganda sa ibang tao hindi yun ‘yung magdadalo sa’yo sa langit. Ang magdadali sa’yo sa langit is yung “You are humbled in his feet” na alam mo na wala ka, you are nothing without HIM so now that’s what I believe na “Lord, hindi ko ‘to kaya if I’m alone kasi wala ako eh if wala ka.”
Matatandaang nahiwalay si Maegan sa kanyang ama noong 2019, dahil umano sa kanyang mga bisyo.
Nag-viral pa si Maegan sa social media matapos niyang ilabas ang mga isyu nila sa kanyang ama sa Wanted Sa Radyo.
Gayunpaman, iginiit ni Freddie na siya lang ang magdedesisyon kung nagbago na si Maegan.
“Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’ Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e. Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka.
“Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e.’ Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago.”
News
Paul Soriano SHOCKS Fans with Shocking Revelation About Toni Gonzaga’s Transformation After Marriage
Filmmaker Paul Soriano shared candid revelations about his wife, Toni Gonzaga, and how their marriage has evolved over the years…
HAHA! THIS IS THE TRUE STORY OF JOYCE’S LIFE, LOVE AND MOTHERHOOD!
Behind her sweet smile and steadfast image, a deep and emotional story envelops Joyce’s life—a story that has just been…
KRIS AQUINO’S HEARTBREAKING HEALTH UPDATE: “Hindi Ko Na Kayang Labanan ang Sakit” — Family and Fans Hold On to Hope as Queen of All Media Faces Her Toughest Battle Yet 💔
MANILA — Isang emosyonal at nakapanghihinang balita ang gumulantang sa puso ng mga Pilipino: si Kris Aquino, kilala bilang “Queen…
SHOCKING REVELATION! COCO MARTIN EXPOSED BY FORMER STUNTMAN: Is His Kindness Just for Show?
In a shocking turn of events, a former stuntman has come forward to reveal what he claims is the “true…
Full Story of Mother Who Set Her Children on Fire in Bulacan – Tagalog True Crime Stories
Hindi maisip na lagim sa Bulacan: Ano ang nagtulak sa isang ina na sunugin ng buhay ang kanyang anak? Nabubunyag…
Lights, Camera… Scandal: The Year Fame Fell Apart🎬💢link in a comment section
There was a time when celebrities were untouchable — gods and goddesses of the screen, adored by millions, protected by…
End of content
No more pages to load