Batang lalaki na nagpatuli sa Quezon, nangisay umano at namatay nang turukan ng pangalawang anesthesia
Isang 11-anyos na lalaki ang nasawi matapos umanong turukan ng pangalawang anesthesia habang tinutuli sa klinika ng isang pinaniniwalaang duktor sa Mulanay, Quezon.
Sa ulat ni John Consulta sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, hindi matanggap nina Marlon at Jenny Reaño ang biglang pagkawala ng kanilang anak na si L.A. Reaño.
“Sobrang sakit po. Hindi po namin alam ang gagawin. Gumuho ang mundo para sa amin dahil ang kaisa-isa naming anak po ‘yun,” sabi ni Marlon.
Ayon sa mga magulang, nangyari ang insidente noong Abril sa isang klinika sa Mulanay. Kinuhanan pa nila ng video ang prosesong ginawa sa kanilang anak.
Pero bago pa man masimulan ang pagtuli sa bata, nangisay umano ito nang bigyan ng ikalawang anesthesia, at kinalaunan ay nalagutan na ng hininga.
“Tatlong taon kaming hindi biniyayaan ng anak. Noong dumating siya sa amin, sobrang saya namin,” umiiyak na pahayag ng ginang sa sinapit ng kanilang anak.
“Sabi namin, gagawin namin ang lahat para mabigyan lang ng magandang kinabukasan yung anak namin. Tapos gano’n lang gagawin ng doktor ngayon. Akala namin safe siya noon dahil doktor nga siya,” dagdag pa niya.
Nais nina Marlon at Jenny na managot ang duktor sa nangyari sa kanilang anak.
“Sana po matanggalan siya ng lisensiya, makulong, mapasara ang klinik. Lahat po ng puwedeng kaso,” ayon sa ama.
Matapos na mabalitaan ng mag-asawa ang nangyari sa 10-anyos na lalaki na namatay din matapos tuliin sa Tondo, Maynila, humingi sila ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI), para makasuhan ang duktor.
Ipinakita ng mag-asawa ang death certificate ng kanilang anak kay NBI Director Jaime Santiago.
“Ayon din nga sa ating medico-legal, yung pagkaka-inject na yun parang hindi tama. Nagkaroon ng aneurysm at parang naapektuhan yung utak agad ng bata, eh patay agad,” ani Santiago.
“Narinig ko sa ama ng bata, pangalawang turok. Eh bakit dalawa ang turok? Tama ang dapat na dosage ng pampamanhid,” dagdag niya.
News
Ian Veneracion PRAISED for Outshining Gen Z Heartthrobs — Veteran Actor Wins Over Netizens with Timeless Charm and Class! Fans Ask: Is This Pure Talent or Just Rare Good Genes?
Ian Veneracion, a name that resonates with Filipinos across generations, has earned a spot in the hearts of many due…
“Adrian Lindayag, guilty at nahihiyang umamin: ‘May HIV ako’ — buong showbiz, gulat!”
Adrian Lindayag at Michael Dychiao ISA ang Kapamilya actor at proud member ng LGBTQIA+ community na si Adrian Lindayag sa mga…
John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”
Naglabas ng saloobin ang multi-awarded actor na si John Arcilla kaugnay sa napapansing pagdami ng higanteng paruparo o moths sa…
DusBi: Tunay na Pag-ibig o Madiskarteng Alyansa? Dustin at Bianca Binasag ang Katahimikan sa Kanilang ‘Real Connection’ sa PBB Collab — Pero Sabi ng Mga Manonood, ‘Laro Lang Ang Lahat’
DusBi presses that what they have is real during “PBB Collab” Big Tapatan In the recent Big Tapatan challenge of…
Sa loob ng 12 Taon, Nagising Siya na Umaasang Marinig Natin ang ‘Nahanap Namin Sila’ — Pagkatapos Isang Malabong Video ang Nagbunyag ng Katotohanan na Nagpalabas sa Kanyang Kalungkutan
For 12 Years, She Woke Hoping to Hear ‘We Found Them’ — Then a Blurry Video Revealed the Truth That…
🥹 Ang Vlog ni Ivana Alawi kasama ang mga Anak na May Sakit ay Hindi Inasahan—Napaiyak ang mga Nars sa Ibinulong Niya
Ivana Alawi moves netizens to tears in vlog with sick children ACTRESS and social media personality Ivana Alawi has captured…
End of content
No more pages to load