Ai-Ai delas Alas’s green card petition for Gerald Sibayan revoked
Ai-Ai decides to withdraw petition for alien relative for estranged husband.
On January 8, 2025, Ai-Ai delas Alas withdrew her Petition for Alien Relative for estranged husband Gerald Sibayan after their separation in October 2024.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
“Automatically revoked” ang petisyon ni Ai-Ai delas Alas na maging permanent resident ng Amerika o U.S. Green Card holder (spouse of a legal permanent resident) ang kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.
Ito ay bunsod ng kinahinatnan ng kanilang pagsasama.
Pinaboran ng U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang apela ni Ai-Ai, noong Enero 8, 2025, na bawiin ang kanyang Petition for Alien Relative para kay Gerald.
Inihain ng Kapuso comedienne ang Petition for Alien Relative para kay Gerald noong Hulyo 15, 2021.
Nakasaad sa desisyon ng USCIS na may petsang Marso 17, 2025: “After a thorough review of your petition and the record of evidence, we must inform you that the approval of your petition has been automatically revoked.”
Ang natuklasan niyang “third party” sa relasyon nila ni Gerald ang isa sa mga inilahad na dahilan ni Ai-Ai kaya binawi niya ang petisyong maging permanenteng residente ng Amerika si Gerald.
Kabilang sa plano ni Ai-Ai ang idiborsiyo si Gerald matapos nitong makipaghiwalay sa kanya sa pamamagitan lamang ng mensahe sa Viber noong Oktubre 14, 2024.
NO APPEAL TO USCIS’S DECISION
Hindi na puwedeng iapela na bawiin ang petisyon para maging permanent U.S. resident si Gerald dahil malinaw na nakasaad sa pasya ng USCIS na “There is no appeal to this decision.”
Maliban na lang kung maghain si Ai-Ai ng motion to reopen or reconsider, na imposibleng mangyari sa ngayon bilang nasaktan siya nang husto sa ginawa sa kanya ng asawa.
Mahihirapan na rin si Gerald makapagtrabaho sa Amerika dahil kabilang ang pagbawi sa kanyang travel at work permit sa Amerika sa mga hiniling ni Ai-Ai sa Withdrawal of Approved I-130 and Adjustment of Status letter niya sa USCIS.
“Please revoke any issued work and travel permits attached to this case.
“I also withdraw any affidavit of support issued as part of this case.”
Ngayong Sabado, Marso 29, 2025, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) sa legal counsel ni Ai-Ai na si Atty. Pia Dyquiangco ng Lewis Law Group sa Santa Ana, California.
Inalam namin ang maaaring gawin ni Gerald tungkol sa pagbawi ni Ai-Ai sa petisyon para maging permanent U.S. resident siya.
Saad ng legal counsel ni Ai-Ai: “He will not be benefitting from Ai-AI’s petition.
“It is Ai-Ai’s prerogative as the petitioner whether to push through with the petition or not.
“Because of the pending divorce she is being truthful to USCIS about the state of her marriage.
“What he does after this is up to him and with regard to his immigration he is on his own.”
AI-AI DELAS ALAS ON GERALD SIBAYAN’S GREEN CARD APPLICATION
Ilang buwan bago bawiin ni Ai-Ai ang kanyang Petition for Alien Relative para kay Gerald, sinabi ng Comedy Queen na hindi niya ipapa-revoke ang mga papeles ng asawa kahit nagkahiwalay na sila.
Pahayag ni Ai-Ai sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong November 11, 2024: “Siyempre kapag initial, buwisit ka, kung anu-ano ang nasasabi mo, pero hindi ko naman gagawin yon.
“Siyempre, husband ko pa rin siya and parang help ko na yon sa kanya para magkaroon siya ng legal status sa Amerika.
“Hindi naman niya sinabi na i-sacrifice ang career ko, pero kaya talaga ako parating nasa Amerika, para samahan siya.
“Pero under contract pa rin ako sa GMA so talagang ginagawa ko na ten days, nasa Amerika ako, ten days nasa Pilipinas ako.”
Ngunit nagbago ang isip ni Ai-Ai nang matuklasan niyang may third party sa hiwalayan nila ni Gerald.
Wala pang pahayag si Gerald kaugnay ng pagbawi ni Ai-Ai ng kanyang Petition for Alien Relative.
News
Ian Veneracion PRAISED for Outshining Gen Z Heartthrobs — Veteran Actor Wins Over Netizens with Timeless Charm and Class! Fans Ask: Is This Pure Talent or Just Rare Good Genes?
Ian Veneracion, a name that resonates with Filipinos across generations, has earned a spot in the hearts of many due…
“Adrian Lindayag, guilty at nahihiyang umamin: ‘May HIV ako’ — buong showbiz, gulat!”
Adrian Lindayag at Michael Dychiao ISA ang Kapamilya actor at proud member ng LGBTQIA+ community na si Adrian Lindayag sa mga…
John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”
Naglabas ng saloobin ang multi-awarded actor na si John Arcilla kaugnay sa napapansing pagdami ng higanteng paruparo o moths sa…
DusBi: Tunay na Pag-ibig o Madiskarteng Alyansa? Dustin at Bianca Binasag ang Katahimikan sa Kanilang ‘Real Connection’ sa PBB Collab — Pero Sabi ng Mga Manonood, ‘Laro Lang Ang Lahat’
DusBi presses that what they have is real during “PBB Collab” Big Tapatan In the recent Big Tapatan challenge of…
Sa loob ng 12 Taon, Nagising Siya na Umaasang Marinig Natin ang ‘Nahanap Namin Sila’ — Pagkatapos Isang Malabong Video ang Nagbunyag ng Katotohanan na Nagpalabas sa Kanyang Kalungkutan
For 12 Years, She Woke Hoping to Hear ‘We Found Them’ — Then a Blurry Video Revealed the Truth That…
🥹 Ang Vlog ni Ivana Alawi kasama ang mga Anak na May Sakit ay Hindi Inasahan—Napaiyak ang mga Nars sa Ibinulong Niya
Ivana Alawi moves netizens to tears in vlog with sick children ACTRESS and social media personality Ivana Alawi has captured…
End of content
No more pages to load