Vic Sotto reacts to son Vico’s “low quality” cellphone
Vic: “Hangga’t hindi sumasabog yung telepono niya, hindi magpapalit yun, e.”
hed 23 hours ago
Vic Sotto on son Mayor Vico Sotto’s simple mobile phone: “Ang sabi niya, hangga’t hindi sumasabog yung telepono niya, hindi magpapalit yun, e. Ganun ang prinsipyo nun, ganun manindigan yun, e.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook
Maging ang ama ni Pasig City Mayor Vico Sotto na si Vic Sotto ay hindi makumbinsi ang anak na bumili na ng bagong model ng cellphone.
Kinaaaliwan kasi ng maraming netizens ang hindi pa rin umano pagpapalit ni Mayor Vico ng bagong cellphone.
Tila kuntento na raw ang alkalde sa luma niyang gadget na sa tingin ng netizens ay napag-iwanan na ng panahon.
Halimbawa na lamang noong April 15, 2025, nagbahagi si Mayor Vico ng selfie at ilang larawan niya kasama ang mga taga-Pasig habang nasa isang seremonya.
Hindi pa rin maganda at malinaw ang kanyang selfie sa post.
Mayor Vico Sotto’s selfie last April 15, 2025.
Photo/s: Facebook
Nakakaaliw naman ang comments ng netizens sa post ni Mayor Vico.
Merong nag-alok na magpapautang at may malaking diskuwento pa para lamang magpalit na siya ng telepono.
Meron ding nagpayo kung paano kumuha ng matinong selfie.
May ilan pang pabirong sinabing alam na raw nilang hindi ito corrupt kaya sana bumili man lang ito ng bagong telepono.
Narito ang komento ng ilang netizens:
Read more about
Vic Sotto
Vico Sotto
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Vic Sotto explains “next president” declaration about son Vico
VIC SOTTO ON SON VICO’S PRINCIPLES
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media sa ama ni Vico na si Vic Sotto noong June 3, 2025, nausisa ito tungkol sa lumang telepono ng anak niyang alkalde.
Wala ba siyang balak bilhan o regaluhan ng bagong phone si Vico?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi lang ng Eat Bulaga! host, “Alam mo, ibang klase yung anak kong yun, e.
“Ang sabi niya, hangga’t hindi sumasabog yung telepono niya, hindi magpapalit yun, e.”
Ibang klase raw ang prinsipyo ni Vico bilang tao.
Ani Vic, “Ganun ang prinsipyo nun, ganun manindigan yun, e.
“But I’m very, very proud of him.”
Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?
Kaugnay nito, isang birong post ang ibinahagi ng isang tech company matapos ang eleksyon.
Nakasaad sa satire post nila: “We are inviting Vico Sotto to pickup his free iPhone 16 Pro Max at Tech Partner PH for winning the 2025 Mayoral Race. You may now trade-in your current Oppo phone to take better pictures and video calls for your work. Again Congratulations!”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ayon sa Republic Act 6713, bawal sa public officials ang tumanggap ng anumang regalo o pabor mula sa sinumang indibidwal at kumpanya.
Nakasaad sa batas na “public officials and employees, to uphold the time-honored principle of public office being a public trust, granting incentives and rewards for exemplary service, enumerating prohibited acts and transactions and providing penalties for violations thereof and for other purposes.”
Ayon sa mga ulat, ang telepono ni Mayor Vico ay simple lamang at libre pa sa telco company na nagpo-provide ng kanyang linya.
News
Ian Veneracion PRAISED for Outshining Gen Z Heartthrobs — Veteran Actor Wins Over Netizens with Timeless Charm and Class! Fans Ask: Is This Pure Talent or Just Rare Good Genes?
Ian Veneracion, a name that resonates with Filipinos across generations, has earned a spot in the hearts of many due…
“Adrian Lindayag, guilty at nahihiyang umamin: ‘May HIV ako’ — buong showbiz, gulat!”
Adrian Lindayag at Michael Dychiao ISA ang Kapamilya actor at proud member ng LGBTQIA+ community na si Adrian Lindayag sa mga…
John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”
Naglabas ng saloobin ang multi-awarded actor na si John Arcilla kaugnay sa napapansing pagdami ng higanteng paruparo o moths sa…
DusBi: Tunay na Pag-ibig o Madiskarteng Alyansa? Dustin at Bianca Binasag ang Katahimikan sa Kanilang ‘Real Connection’ sa PBB Collab — Pero Sabi ng Mga Manonood, ‘Laro Lang Ang Lahat’
DusBi presses that what they have is real during “PBB Collab” Big Tapatan In the recent Big Tapatan challenge of…
Sa loob ng 12 Taon, Nagising Siya na Umaasang Marinig Natin ang ‘Nahanap Namin Sila’ — Pagkatapos Isang Malabong Video ang Nagbunyag ng Katotohanan na Nagpalabas sa Kanyang Kalungkutan
For 12 Years, She Woke Hoping to Hear ‘We Found Them’ — Then a Blurry Video Revealed the Truth That…
🥹 Ang Vlog ni Ivana Alawi kasama ang mga Anak na May Sakit ay Hindi Inasahan—Napaiyak ang mga Nars sa Ibinulong Niya
Ivana Alawi moves netizens to tears in vlog with sick children ACTRESS and social media personality Ivana Alawi has captured…
End of content
No more pages to load