Aso ni Ka Freddie Aguilar, tila naghihintay pa rin sa pagbabalik ng kanyang amo
– Emosyonal na post ni Jovie Albao, asawa ng yumaong Freddie Aguilar, ang umantig sa damdamin ng mga netizens dahil sa litrato ng kanilang aso na tila nag-aabang pa rin sa yumaong OPM icon
-Ayon kay Jovie, madaling araw na ngunit hinahanap pa rin ng kanilang mga alagang aso ang kanilang “Tatay” na si Ka Freddie
– Ibinahagi niya ang kanyang pag-aalala sa lungkot na dinaranas ng mga alaga, lalo pa’t siya mismo ay dumaraan din sa matinding pagdadalamhati
– Pumanaw si Freddie Aguilar sa edad na 70 dahil sa cardiac arrest na dulot ng komplikasyon ng diabetes at iba pang karamdaman, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya
Isa na namang nakakaantig na eksena ang ibinahagi ni Jovie Albao, asawa ng yumaong OPM legend na si Freddie Aguilar, na tumagos sa puso ng publiko—hindi lang dahil sa kanyang pagdadalamhati, kundi pati na rin sa tila pagluluksa ng isa sa kanilang mga alagang aso.

Source: Facebook
Sa isang Facebook post, pinakita ni Jovie ang larawan ng kanilang aso na nakatanaw palabas ng bahay. Ayon sa kanyang caption, “Lagi mo na lang hinihintay si Tatay umuwi anak. 🥺 Paano ko ba mapapaintindi sayo na di na sya uuwi. 😢💔”
Maging sa madaling araw, ramdam pa rin ang kalungkutan ng kanilang mga alaga. “12:36am na hinahanap ka pa rin ng mga aso natin. 🥺 Pinagdadasal ko lang palagi na kayanin nila yung lungkot kasi kelangan ko sila lalo na ngayon. 💔” dagdag ni Jovie. Maraming netizens ang naantig sa kanyang mensahe at nagpaabot ng pakikiramay at suporta.
Narito ang ilang komento:
Nakakadurog naman ng puso mga post mo po 🥹 Parang ako din yung na sasaktan. Sana maging ok na po ang lahat.
Kakalungkot naman 😭. Di po ba sya pwede isama kung saan naka himlay si ka Freddie?
Ang aso minsan higit pa sa tao Hindi nakakalimot at sobra kung magmahal at maglambing💙
Pumanaw si Freddie Aguilar noong Oktubre 4, 2024, sa edad na 70. Ayon sa opisyal na pahayag ng pamilya, ang sanhi ng kanyang pagpanaw ay cardiac arrest dulot ng komplikasyon sa diabetes at iba pang sakit na matagal na niyang iniinda. Kilala si Ka Freddie sa pagiging masigasig sa pagtataguyod ng musikang Pilipino at sa mga kantang may malalim na mensahe, partikular ang kantang Anak na tumatak hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.
Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot ng malawakang pagluluksa sa industriya ng OPM at sa mga Pilipinong tumangkilik sa kanyang musika at adbokasiya.
Si Jovie Albao ay naging kabiyak ni Freddie Aguilar sa mga huling taon ng buhay ng singer. Kilala si Jovie sa matatag at tahimik na suporta sa kanyang asawa, at ngayon ay patuloy niyang ibinabahagi sa social media ang kanyang paglalakbay sa pagdadalamhati, kabilang na ang kanyang pagmamahal at pagmumuni-muni sa kanilang mga alaala bilang mag-asawa.
Sa mismong libing ni Ka Freddie, emosyonal na binigkas ni Jovie ang kanyang pamamaalam. Ibinahagi niya ang kanilang mga alaala at ang pangakong hindi niya malilimutan ang pagmamahal ng kanyang asawa. Umani ito ng simpatya at paggalang mula sa mga netizens at tagahanga.
Ayon kay Jovie, isa sa mga huling pangako ni Ka Freddie ay ang manatili sa kanyang tabi hanggang sa huli. Sa isang post, sinabi niyang tinupad ng asawa ang pangakong ito, at kahit sa huling sandali ay pinakita ang kanyang pagmamahal. Tunay na tumagos sa damdamin ang kwento ng kanilang pagmamahalan.
News
Ian Veneracion PRAISED for Outshining Gen Z Heartthrobs — Veteran Actor Wins Over Netizens with Timeless Charm and Class! Fans Ask: Is This Pure Talent or Just Rare Good Genes?
Ian Veneracion, a name that resonates with Filipinos across generations, has earned a spot in the hearts of many due…
“Adrian Lindayag, guilty at nahihiyang umamin: ‘May HIV ako’ — buong showbiz, gulat!”
Adrian Lindayag at Michael Dychiao ISA ang Kapamilya actor at proud member ng LGBTQIA+ community na si Adrian Lindayag sa mga…
John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”
Naglabas ng saloobin ang multi-awarded actor na si John Arcilla kaugnay sa napapansing pagdami ng higanteng paruparo o moths sa…
DusBi: Tunay na Pag-ibig o Madiskarteng Alyansa? Dustin at Bianca Binasag ang Katahimikan sa Kanilang ‘Real Connection’ sa PBB Collab — Pero Sabi ng Mga Manonood, ‘Laro Lang Ang Lahat’
DusBi presses that what they have is real during “PBB Collab” Big Tapatan In the recent Big Tapatan challenge of…
Sa loob ng 12 Taon, Nagising Siya na Umaasang Marinig Natin ang ‘Nahanap Namin Sila’ — Pagkatapos Isang Malabong Video ang Nagbunyag ng Katotohanan na Nagpalabas sa Kanyang Kalungkutan
For 12 Years, She Woke Hoping to Hear ‘We Found Them’ — Then a Blurry Video Revealed the Truth That…
🥹 Ang Vlog ni Ivana Alawi kasama ang mga Anak na May Sakit ay Hindi Inasahan—Napaiyak ang mga Nars sa Ibinulong Niya
Ivana Alawi moves netizens to tears in vlog with sick children ACTRESS and social media personality Ivana Alawi has captured…
End of content
No more pages to load