3-buwang-gulang na sanggol, patay matapos madaganan ng kanyang tatay na inatake sa puso

Isang tatlong-buwang-gulang na lalaking sanggol sa Malaysia ang sa kasawiang palad ay namatay
Sa isang artikulo na sinulat ng PhilSTAR Life, nadaganan ang sanggol ng braso ng kanyang ama na namatay naman dahil sa atake sa puso
Ayon naman sa Bernama, ang tatlong-buwang-gulang na sanggol at kanyang ama ay natagpuang wala nang buhay ng ina ng bata na si Azura Abdul Malik, 40-anyos
Ang dalawa ay natagpuang patay sa kanilang tahanan sa Malacca City mga bandang 9:30 a.m. nuong Hunyo 19

Alina Matveycheva on PexelsAlina Matveycheva on Pexels
Source: Original

Isang tatlong-buwang-gulang na lalaking sanggol sa Malaysia ang sa kasawiang palad ay pumanaw.

Sa isang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life, nadaganan umano ang sanggol ng braso ng kanyang ama na namatay dahil sa atake sa puso.

Ayon naman sa ulat ng Bernama, ang tatlong-buwang-gulang na sanggol at ang kanyang ama ay natagpuang wala nang buhay ng ina ng bata na si Azura Abdul Malik, 40-anyos.

Ang mag-ama ay natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan sa Malacca City bandang 9:30 a.m. noong Hunyo 19.

Agad namang ipinagbigay-alam ni Malik ang nangyari sa kanyang sister-in-law na kanilang kapitbahay.

“She said the baby was unconscious and had turned blue after being pinned under my brother’s arm,” ani Masturadiana, sister-in-law ni Malik.

Agad ring sinabihan ni Masturadiana si Malik na isugod agad ang bata sa hospital na nasawi habang nilalapatan ng lunas.

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.